Sa malayo ika'y iibigin, sa malapit ika'y titiisin. Katulad ng hanging dumadaplis, ika'y hahagkan at saka aalis. Sa ganitong paglilihim, ako'y pinapanatag; sa ganitong pag-ibig ko, pag-ibig man ng duwag; bagamat walang pugad, ako'y ibong malaya --- ako ma'y lumuluha, wala sa 'king kukutya. Hindi ko man mabigkas ang paghanga ko sa 'yo, hayaan mong … Continue reading Awit Mula sa Malayo
Month: May 2010
May Hindi Nawawakasan Ang Araw
May hindi nawawakasan ang araw, araw-araw, may hindi natutuldukan ang buwan, buwan-buwan; may hindi natatapos ang taon, taon-taon --- tulad ng alaala ng mga yumao’t lumisan. Sa paglipas ng araw, at mga kulay nito, sa pagdaan ng buwan, at mga prutas nito; sa pagtakbo ng taon, at mga tropeo nito --- ang nagdaan ay hindi … Continue reading May Hindi Nawawakasan Ang Araw
Siya ang Dahilan
Siya ang Dahilan kung ang iyong puso ay hapo sa mga pagsubok na dumarating, huwag kang titiklop, o patatangay sa hangin... ipikit ang mga mata at manalangin, at sanlibong dahilan upang magpatuloy ang iyong kakamtin... humanap ng dahilan, anuman ang mangyari bibigyan ka Niya ng dahilan upang laging magpuri... ipikit ang mga mata at manalangin--- … Continue reading Siya ang Dahilan