Puso ng Dagat

Napakaraming alon sa dagat. Hindi mabilang. Ngunit kung iyong pagmamasdan, lahat sila ay iisa --- iisang tubig na hinuhulma ng hangin at ng naunang indayog na hindi pa natatapos hanggang sa ngayon. Nakakatakot. May mga pangil itong sumisipsip sa dugo ng mga pangahas. Nakakatakot siya sapagkat hindi ito kailanman nasisindak ng bagyo, buhawi o ng … Continue reading Puso ng Dagat

Ang Magnanakaw ng Sandali

Ang magnanakaw ng sandali ay nariyan na naman, upang umukit ng mga linyang papasulong sa sukatan ng sangkatauhan. Sa pisngi at mukha naman ay tumutuldok siya ng mga nunal --- sa mga lupang may hininga na hindi rin magtatagal. Gumuguhit siya sa palad at kaloob-looban, at ang parusa niya’y dama sa mga tuhod at kasukasuhan. … Continue reading Ang Magnanakaw ng Sandali

Labyrinth

Ang puso kong ito na iyong nilikha, Panginoon, ay inaalay ko sa Iyo.  Ikaw ang lubos na nakauunawa sa tibok nito.  Ang bawat pintig nito mula pa sa simula ay nakatala; ang kilometrong ugat na nakapulupot dito'y inayos Mo.  Kung paanong iniuutos Mo ang bawat hininga na sundan ang mga lagusan at tukuyin ang kinaroroonan ng mga nakatagong … Continue reading Labyrinth