Himno

Photo by Matthew Henry from Burst May awitin sa hangin at ito'y masaya, dala ang pag-asa at pag-ibig. (the air sings a happy song that brings hope and love) Bitbit nito ang himig ng mga lumang musika na sinulat ng mga lumisan na. (it carries a tune from an old melody written by those who … Continue reading Himno

Ang Pag-ibig ay Paninging Matalim

Kung ang pag-ibig ay nakalaan sa hanging laging nakayakap, o sa araw na may pagtingin, o sa ulang may paglingap... ano ang nasa pag-ibig na dapat ikagalak, kung sa kaibig-ibig lamang ang buhay niya'y ilalagak? Sa mundo, ang pag-ibig ay hindi tiyak, at sa matalino'y hindi ito payak... subalit sa natatakot, ito'y handang maging tapat, … Continue reading Ang Pag-ibig ay Paninging Matalim

Halika, Hamog

Halika, Hamog. Come, Fog.   Halika, hamog, sabi ng hangin. (Come, fog, says the wind.                                                                                Ako’y hungkag.                                                                                 I am empty. Wala akong dala-dala I have nothing to carry kung saan bumubukadkad ang mga bulaklak where the flowers bloom at naghihintay and are waiting sa manamis-namis for the sweet, sweet na tubig ulan. water … Continue reading Halika, Hamog

Ang Pagtatagpo

Sa muling pagtatagpo ng tag-init at tag-ulan, gagawa sila ng paraan upang maging walang hanggan ang kanilang ugnayan.  Hahamakin nilang tapusin ang isa't isa, upang simulan ang pinagsanib nilang puwersa, hindi bilang dalawa, ngunit,  isa --- na, upang tuwing umuula'y tila may araw pa rin, at sa tag-init, mayroong tubig na iinumin ang mga bulaklak sa hardin... Iyan ang … Continue reading Ang Pagtatagpo

Ex-Palengkera

Maganda ang bagsak ng kaniyang bestida sa kaniyang mga paang nababalot ng mga sapatos na mamahalin, mula pa sa Italia.    Ibang-iba na siya, at hindi ito maikakaila sa bawat hagod ng kaniyang mga taludtod sa malamig na silid na nabudburan ng kanluraning pampalasa na kung dito ibebenta ay mahal.  Malayo ito sa dati niyang entabladong mainit, … Continue reading Ex-Palengkera

Puso ng Dagat

Napakaraming alon sa dagat. Hindi mabilang. Ngunit kung iyong pagmamasdan, lahat sila ay iisa --- iisang tubig na hinuhulma ng hangin at ng naunang indayog na hindi pa natatapos hanggang sa ngayon. Nakakatakot. May mga pangil itong sumisipsip sa dugo ng mga pangahas. Nakakatakot siya sapagkat hindi ito kailanman nasisindak ng bagyo, buhawi o ng … Continue reading Puso ng Dagat

Bakit Ako Umiibig Sa Iyo, Ginoo ni Emily Dickinson

“Bakit Ako Umiibig Sa Iyo, Ginoo?” salin ng “Why Do I Love You, Sir?” ni Emily Dickinson “Bakit ako umiibig sa Iyo, Ginoo? Sapagkat --- Hindi inuutusan ng Hangin ang Damo Upang tumugon --- kaya’t pagdaan Niya’y Siya’y hindi mapakali. Sapagkat batid Niya --- at Hindi Mo batid--- At hindi Natin nalalaman --- Sapat sa … Continue reading Bakit Ako Umiibig Sa Iyo, Ginoo ni Emily Dickinson

Ang Magnanakaw ng Sandali

Ang magnanakaw ng sandali ay nariyan na naman, upang umukit ng mga linyang papasulong sa sukatan ng sangkatauhan. Sa pisngi at mukha naman ay tumutuldok siya ng mga nunal --- sa mga lupang may hininga na hindi rin magtatagal. Gumuguhit siya sa palad at kaloob-looban, at ang parusa niya’y dama sa mga tuhod at kasukasuhan. … Continue reading Ang Magnanakaw ng Sandali

Latak sa Pahina

                Latak sa Pahina  Hinuhugot ang matalinghaga  sa diwa,  saka pinapagulong sa  dila ang tugma;  ipinupuslit mula  sa dilim ang kahulugan...ngunit,  mula sa puso bumabalong  ang dugong nag-iiwan  ng buhay na latak  sa  pahinang  tumitibok-  tibok.

Ang Munting Sulok

Ang Munting Sulok Ang binata’y galing sa Maynila. Ang pag-aaral niya’y iginapang ng ama. Dumating ang panahong kinailangan niya Ang umuwi, dahil ang butihing ama’y lumisan na. Naupo siya sa tarangkahan habang tinatanaw Ang lupang tinamnan ng ama Noong ito’y nabubuhay pa--- ang sulok Na ayaw bitiwan ng iba. Tanong niya, “Ama, bakit ganon na … Continue reading Ang Munting Sulok

Sasandal

Isang malaking suliranin ang kinakaharap ko ngayon--- ang puhunan ko ng 'sang taon baka tangayin lang ng hangin. Ang marami-rami kong tula, na bunga ng pagkatulala, na isinilid sa makina, ay nanganganib na mawala. Sayang naman ang panahon kong sa paglulubid itinuon --- aanhin ko ang isang taon na sa limot ay mababaon! Kaya't ako … Continue reading Sasandal

Bagyo

  Kailan dadalaw ang ulang malihim sa bulaklak na naghihingalo’t mainipin? Ilang araw na rin siyang nagmamasid, at baka sakaling siya ay aaligid. At habang siya’y hapo’t nababato, kupkop ang mga binhing natutuyo, sa kalangitan ang hiling niya ay walo, at bagyo ang nangunguna rito. Ruth Solitario 9:12 PM February 20, 2010 "As against having … Continue reading Bagyo

ang tulang panagot ni Marco Liwanag

Gumawa si G. Marco Liwanag ng isang mahusay na tulang panagot sa aking tulang "Sa May Dambana".  Mababasa niyo ang kaniyang tula sa http://alikmata.blogspot.com. Tulang Panagot ni Marco Liwanag Sa giyagis na damdami't hilahod na tadhana 'sang laksang halimaw sa labas ang naglipana ngingiti na lang sana kung bakit di makuha ang ligaya at laya … Continue reading ang tulang panagot ni Marco Liwanag

Pitong Liham

I. May natanggap na liham, Galing sa kalangitan, Ang Ministro ng Agham, Patungkol sa Maykapal. II. Kung ika’y tatalima’t Kay Hesus ay sasama --- Pasan ang krus, iwanan Ang sarili sa daan. III. Kung ika’y may’rong hapis, Huwag magdamdam nang labis; Dalhin ang iyong hinagpis, Kay Hesus na nagtiis. IV. Batid ko ang hangganan, Nitong … Continue reading Pitong Liham