Huwag Magpadalos-dalos

Pagkagising ko, inisip kong gumawa agad. Magtrabaho. Nakalimutan kong hindi ko pa pala nakakausap ang Maylikha sa pamamagitan ng Kaniyang salita. Nagpadalos-dalos ako sa aking araw matapos sabihin ang mabilisang panalangin — “Thank you Lord sa umagang ito…”

Inisip kong magluto agad ng saba, kamote, at mais para may snacks kami maghapon. Ilalagay ko ito sa Tupperware at ilalagay ko sa mesa para may meryenda habang busy ako.

Inisip kong magsulat ng aking ambag sa Picture Book Challenge ni Arree Chung kaya dala-dala ko ang librong Angelina’s Birthday Surprise na sinulat ni Katharine Holabird at iginuhit ni Helen Craig para pag-aralan iyon.

Inisip kong magtapon ng basura dahil tumambad ang masamang amoy sa akin pagpasok ko sa kusina dahil hindi pala natapon ang basura kagabi. Ang nakasusulasok na amoy ay dahilan para magmadali akong lumabas para itapon ang basura.

Dala ang basura, dali-dali akong lumabas pero hindi pa ako nakakarating malapit sa elevator ay napansin ko na sa new normal ay kahubaran ang hindi pagsuot ng mask. Kaya bumalik ako. Sayang ang oras.

Samantala narinig ko ang mga awit ng mga ibon. Narinig ko ang sparrow, fantail, zebra dove, at kung anu-ano pa. Nainggit ako sa kanila.

Pagupo ko gumawa ako nito. Pero bago yun, inopen ko yung preaching ni Warren Wiersbe. Pero di pa rin mapayapa ang isip ko. Parang may kulang. Parang mag pinapagawa ang Diyos sa akin. Pero paano ko malalaman kung di ko siya sinipot nang Ako’y kaniyang pinaunlakan bago pa ako lumusong sa araw ko na bigay Niya?

O Diyos, patawarin mo ako dahil sa nakalimutan ko ito:

Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag. – Kawikaan 16:3

Payapain Nawa
O Diyos, payapain mo ang aking damdamin
kahit napakaraming gawain at kaganapan.
Paalalahan tuwina na gumawa ng mabuti,
pero bago nito, niyan --- ay lumuhod muna.

Calm Me
O Lord, 
calm my thoughts, my heart
as the affairs of the day apprehend.
To keep my home, and 
do my part are good, but first, 
my knees should bend. 

(c) Ruth Solitario, 12 August 2020

Read other posts in my other home: http://www.everythinghappyhome.com

2 thoughts on “Huwag Magpadalos-dalos

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s