Hindi tungkol sa akin…
Si Picket Luna* ay kasalukuyang nakatingala sa langit at nagmamatyag, habang tumatakbo sa mundong ibabaw. Huwag mamangha sa aking tinuran… isinalin ko lang yan at hinango sa titulo ng awitin ni Chris Rice na “Run the earth, watch the sky.”
*a.k.a Ruth Vergara Mostrales, tubong Baguio, at nangangapa sa Quezon City. Kadalasan makikita niyo siyang nakapalda ng kukurtinahin na parang manang. Mahilig siya sa mga awiting makalangit dahil pinapangarap niyang makasama sa Glee Club ng kalangitan balang araw.
Isang babala: Ingat po kayo, lubhang malikot ang kaniyang imahinasyon.
Baka kuwento mo na ang isunod niya dito, o baka kuwento ni ___. Walang makapagsasabi, pagka’t ang imahinasyon ay hindi naitatali.
Kung nagustuhan mo ang alin man sa mga akda ni Ruth, at naisipang ipost kung saan, o isumite sa iyong guro bilang takdang aralin, banggitin lamang na si Ruth ang gumawa, okay na sa kanya. Salamat.
taga bagyo ka pala ate. hi hello.
ako po si jasonhamster
i aadd kita sa blog roll ko ha :p
Sige ba, Jasonhamster. As in Bagyo, huh? Salamat sa iyong pagdaan. Mabuhay ka. God bless.
hi ruth nais kitang ihanay sa aking bahay kaya iyong pahintulutan…
mahilig din ako sa mga makalangit na kanta…. glee club?go girl maganda yan isang paraan upang makapagpuri sa maykapal
Hello! Nice meeting you, Lhen. Okay lang. Add din kita ha. God bless.
hi po..
nga pala, naligaw ako dito, mula sa bahay ni Kuya Jasonhamster..
idadagdag po kita sa blogroll ko po para madali kitang madalaw sa susunod..
Im Nikko Rein aka Tuutuukii..
Nikko,
sure! add din kita sa blogroll ko ha! take care always. God bless.
Ate Ruth